Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

3 Maria nahulihan ng P1M droga

0 179

Arestado ang tatlong babae matapos makuhanan ng mahigit P1 milyong halaga ng shabu sa isinagawang buy bust operation sa Navotas City, kahapon ng madaling araw.

Sa ulat ni PLT. Luis C. Rufu Jr., head ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Navotas City Police Station, kinilala ang nasakoteng sina Kyla Marie Legaspi, 19; kapatid nitong si Kristal Shaine, 22, kapwa taga-#46 Miguel Street, Barangay NBBN ng nasabing lungsod at Marissa Adalla, 29, taga-No. 18 Tagahanan Street, Bagumbayan.

Ayon kay Lt. Rufus Jr., alas 3:00 ng madaling araw, nagkasa ang SDEU ng buy bust operation sa Leano Street, Barangay Bangkulasi, Navotas City.

Sina PSSg. Christian Oclares at Patrolman Henry Quinagon ang nagkunwaring poseur buyer at bumili ng halagang P2,500 shabu sa magkapatid na Legazpi, saan kasama nila si Adalla.

Matapos ang transaksiyon, dinampot na ng ibang parak na naroroon ang nasabing tatlong Maria.

Nasamsam sa kanila ang kabuuang 162 gramo ng shabu na may market price na P1.101,600.00. (Orly Barcala)

Leave A Reply

Your email address will not be published.