Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

3 magpinsan niratrat ng barangay employee

0 259

Todas ang 3 magpinsan nang pagbabarilin sila habang pauwi sa kanilang bahay sa Ungkaya Pukan, Zamboanga del Sur.

Dead on the spot sina Amirudin Asdain, 23; nakababatang kapatid na si Halid, 15; at pinsang si Muhajir Asdain, 19, nagtatrabaho bilang rubber tapper at pawang residente ng Brgy. Bohe Pahu. Pinaghahanap naman ang pangunahing suspek na si Amil Asani, miyembro ng Barangay Peace Action Team (BPAT), gayundin ang mga kasamahan nito.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Sa ulat ng Police Regional Office (PRO) 9, naganap ang pamamaslang alas-5:30 Biyernes ng hapon sa kahabaan ng Brgy. Camamburingan habang naglalakad pauwi ang mga biktima galing sa rubber plantation na kanilang pinagtatrabahuhan, nang bigla na lang silang pagbabarilin ng isang grupo ng mga kalalakihan gamit ang mga malalakas na kalibre ng baril dahilan ng agaran nilang kamatayan.

Isa sa tinuturong dahilan ng pagpatay ay away sa pagitan ng pamilya ng mga biktima at suspek na si Asani. Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya hinggil sa kaso. (Edwin Balasa)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.