Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

3 magkapatid dedbol sa natupok na haybol

0 112

MALAGIM na kamatayan ang sinapit ng tatlong magkapatid nang makulong sila sa nasusunog nilang bahay habang ipinagdiriwang ng bansa ang Pasko ng pagkabuhay noong Linggo ng umaga.

Ayon sa mga arson investigator, tulala at hindi pa makausap ng maayos ang ina dahil sa sinapit ng anak niyang sina Julius Cesar, 12-anyos; Christine Joy, 11-anyos; at Celina, 3-anyos.

Ayon kay Augosto Cesar Gonzales Sr., naiwan umano ng kanyang asawa ang niluluto nito habang ang ang mga anak nila ay nasa loob ng kanilang bahay sa Sityo Alitaptap, Brgy. D.S. Garcia, Cabanatuan City bandang alas-8:20 ng umaga.

Dahil sa yari sa kahoy ay mabilis umanong kumalat ang apoy. Natupok din sa sunog ang dalawang bahay na katabi ng mga Gonzalez bago nakontrol ang apoy ganap na alas-8:35 ng umaga.

Tinatayang nasa P100,000 ang halaga ng mga ari-arian na natupok sa sunog. (Jojo de Guzman)

Leave A Reply

Your email address will not be published.