Una sa Balita

3 magkakaibigan sinuyod ng 10-wheeler truck: 2 patay, 1 sugatan

By
0 312

DEAD on-the-spot ang dalawa katao habang malubha naman ang isa pa nilang kaibigan makaraang suyurin ng isang 10-wheeler truck habang tumatawid kahapon nang madaling-araw sa San Pedro City, Laguna.

Kinilala ang isa sa nasawing biktima na si Jonathan Muyco, residente ng Biñan City, habang inaalam pa ng pulisya ang pangalan ng kasama nitong babae na nasawi rin sa aksidente.

Samantala, sugatan ang nakila­lang si Jiero Esteban, 23, residente ng Muntinlupa City.

Nadakip naman ng nagpapatrol­yang pulisya ang suspek na si Je­rick Manaog, drayber ng 10-wheeler na wing van truck na nakasagasa sa mga biktima.

Patawid sana ang mga biktima bandang alas-tres nang madaling-araw sa Brgy. Nueva nang hindi umano napansin ng drayber ng trak ang mga ito dahilan upang masuyod sila ng papara­ting na dambuhalang sasak­yan. ­

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy