Una sa Balita

3 magkaanak patay sa atake

By
0 1

ZAMBOANGA CITY — Tatlong mi­yembro ng isang pamilya ang napaslang at 4 iba pa ang sugatan matapos silang ratratin ng mga ‘di-kilalang armadong lalaki sa bayan ng Sirawai sa Zamboanga del Norte province sa Mindanao.

Naganap ang atake kamakalawa ng gabi sa Sitio Narra sa Brgy. San Vicente, ngunit hindi pa mabatid ang motibo sa pamamaslang o kung may kinalaman ba ito sa away-pamilya o lupain.

Sa inisyal na ulat na natanggap ng pulisya, nakilala ang mga nasawi na sina Allan, Florgyn at Michael na pawang miyembro ng pamilyang Satera.

Abante Hiring – IT dep

Ang mga sugatan ay kinilalang sina Mike, John, Mark at Hamja.

Patuloy pa rin kahapon ang imbestigasyon ng pulisya sa naganap upang matukoy kung sino ang nasa likuran ng krimen.