Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

3 mag-utol, 1 pa timbog sa baril, shabu

0 342

Kalaboso ang apat na lalaki, kabilang ang tatlong magkakapatid nang makumpiskahan ng baril, granada at shabu sa Marilao, Bulacan kamakalawa ng umaga.

Nakilala ang mga naarestong sina Augustine, Antonio at Angelo Cabrera, magkakapatid at Ricardo Sumang, pawang nakatira sa Brgy. Lambakin, Marilao.

Nag-ugat ito sa impormasyong natanggap ng pulisya, hinggil sa dalawang beses na nagpapaputok ng baril sa kanilang lugar ang mga suspek. Kaya naman hinuli ang mga ito sa bisa ng search warrant.

Sa paghahalughog sa kanilang bahay, nakuha ang isang Armscor caliber 38 revolver, isang fragmentation grenade, at 25 pakete ng shabu na tinatayang nasa P30,000 ang halaga.

Mahaharap sa kaukulang kaso ang mga suspek. (Jun Borlongan)

Leave A Reply

Your email address will not be published.