Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

3 lugar sa norte balik-MECQ

0 222

SA inilabas na resolution 114-C ng Inter-Agency Task Force noong Linggo, Mayo 9, 2021, inilagay sa mas mahigpit na community quarantine status ang mga lalawigan ng Cagayan, Apayao at Benguet epektibo kahapon hanggang Mayo 23, 2021.

Inirekomenda ng screening and validation commitee ng IATF ang MECQ status sa tatlong nabanggit na lalawigan mula sa dating general community quarantine dahil sa naitalang pag- taas muli ng kaso ng COVID-19.

Tatagal ng 14 na araw ang MECQ sa Cagayan, Apayao at Benguet.

Dahil dito pinaigting na rin ng mga lokal na opisyal ang contact tracing para matukoy ang mga nakasalamuha ng mga nagpositibo sa COVID-19. (Aileen Taliping)

Leave A Reply

Your email address will not be published.