Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

3 lugar sa Batangas lugmok pa kay `Jolina’

0 12

Tatlo pang lugar sa Barangay Talahib Pandayan, Batangas City ang nananatiling isolated dulot ng pananalasa ng bagyong Jolina.

Nabatid na hanggang ngayon ay sira ang mga kalsada at river control sa Sitio Tibig, Binulihan at Maanunang.

Sa ngayon ayon sa ilang opisyal sa lugar ay nasa 800 katao sa nabanggit na tatlog sitio ang nangangailangan ng karampatang saklolo o ayuda.

Hindi umano nila inaasahan na malupit humagupit si Jolina kaya di kinaya ng ginawa nilang preparasyon ang pananalasa ng bagyo.

Leave A Reply

Your email address will not be published.