Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

3 Lopez olats sa Maynila

0 127

Talo sa Maynila ang tatlong kandidatong Lopez na ilang dekada na sa posisyon.

Ang tatlo ay sina Manila 1st District Congressman Manny Lopez, Atty. Alex Lopez at kanilang pinsan na si Carlo Lopez na gusto sanang bumalik sa Kongreso.

Tuluyang tinuldukan ni Manila 2nd District Congressman Rolan Valeriano ang mga Lopez makaraang tambakan ng boto ang kanyang nakatunggali na si Carlo na nagbabalik sana sa Kongreso.

Si Valeriano ay nakakuha ng 70,146 na boto habang si Lopez ay 42,787 na halos kalahati ang lamang.

Noong mga nakalipas na taon at dekada ay sinasabing hawak ng mga Lopez ang second district ng Maynila pero ngayon ay nagsalita na ang mga mamayan sa pamamagitan ng boto na hindi na maituturing na balwarte ng mga Lopez ang Tondo.
Minahal ng mga residente ng Tondo si Valeriano dahil sa walang sawang pagtulong nito na kahit dis-oras ng gabi ay nalalapitan ng mga problemadong mamamayan.

Base sa kasaysayan, dekada na o matagal na panahon na hinawakan ng mga Lopez ang naturang lugar pero hindi umano kinakitaan ng pag unlad, kaya marahil ay nagising sa katotohanan ang mga mamayan na burahin sa kasaysayan ng pulitika ang pangalang Lopez sa pamamagitan ng balota.

Natalo rin si mayoralty candidate Atty. Alex Lopez kay Manila Mayor elect Honey Lacuna sa botong 497,752 vs 154,794. Si Lacuna ang kauna-unahang babae na magiging alkalde ng Maynila.

Talo rin si incumbent Manila 1st District Congressman Manny Lopez sa batang-bata na si Ernix Dionisio sa katatapos na halalan.

Leave A Reply

Your email address will not be published.