Una sa Balita

3 kompanya atras sa Kapa

0 317

Iniurong ng tatlong private complainant ang inihain nilang syndicated estafa laban sa mga opisyales ng Kabus Padatoon Community International Ministry (Kapa) .

Sa ikalawang araw ng pagdinig ng Department Of Justice (DOJ) sa reklamong syndicated estafa at paglabag sa Securities Regulation Code na isinampa ng National Bureau of Investigation- National Capital Region (NBI-NCR), muling sumalang ang dalawa sa tatlong tumatayong complainant sa kaso.

Dalawa sa testigong pormal na nag-urong ng testimonya ay sina Judith Lechido ng Barangay Pasong Tamo, Quezon City at Kim Ampo ng Sta. Ana, Manila.

Nakasaad sa affidavit ni Lechido na kusang-loob siyang sumali sa Kapa at nagbigay ng donasyong P30K at hindi siya pinangakuan ng liderato ng Kapa sa pamumuno ni Pastor Joel Apolinario.

Sang-ayon naman kay Ampo, sumanib siya sa Kapa sa kagustuhang makatulong sa kapwa at mapalapit sa Diyos.

Nag-donate umano siya ng P10K-P35K noong Marso at Hulyo para pandagdag sa mga gastusin ng Kapa sa layong makatulong sa mga nangangailangan.

Nauna rito ay umapela sa Malacanang ang mga tagasuporta ng Kapawa na bawiin ang direktibang ipasara ang kanilang simbahan at ang mga itinayong negosyo para sa kapakanan ng may 5-10 milyong miyembro.

Umapela rin ang Federal Tribal Government of the Philippines (FTGP) sa Palasyo ng payagang muling magbukas ang Kapa.

Nakiusap din si Datu Douglas Mangcal, kinikilang lider ng tribong B’laan sa Davao del Sur, na iurong ang lahat ng kasong isinampa sa Kapa na wala diumanong kasalanan kundi tulunganang mga dukha lalo na ang mga lumad. (Lorraine Gamo)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy