Una sa Balita

3 kelot kalaboso sa tong-its pusta shabu

0 277

Ni Vick Aquino

KULUNGAN ang bagsak ng tatlong kelot matapos mabuking sa pagsusugal na shabu umano ang pustahan sa raid na ginawa sa Barangay Bambang, Pasig City, kamakalawa.

Nakilala ang mga suspek na sina Dan Barcelona, 34, dental technician; Reynaldo Parada, 71; at Johnel De Jesus, 30.

Nahuli ang tatlo matapos makatanggap ng tip ang mga tauhan ng Police community precinct 3 (PCP-3) na may nagaganap na sugalan sa isang bahay sa Callejon 22, alas-5:30 nang hapon.

Agad na rumesponde ang pulisya kasama ang mga opisyal ng barangay at naaktuhan ang tatlo na nagsusugal habang nakatakas naman ang mga miron sa paligid nito nang makatunog sa paparating na pulis.

Nakumpiska mula sa mga suspek ang isang set ng baraha, P800 betting money at limang plastic sachet na naglalaman ng shabu.

Kasalukuyang nakakulong ang mga suspek sa Pasig detention cell at nahaharap sa kasong paglabag sa PD 1602 o illegal gambling act at RA 9165 o illegal drugs act.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy