Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

3 kawatan ng pampa-beauty tiklo

0 100

Arestado ang dalawang lalaki at isang babae na sakay ng kotse, makaraang magnakaw ng mga beauty product sa isang tindahan sa San Andres Bukid, Maynila.

Tinangka pang iwanan ng mga naarestong sina Marlon Marcaida, 40, at Efren Almario, 60, driver, ang kasama nilang kawatan na si Ihna Castro, 19, nang pigilan ito ng security guard na si Mary Joy Bulawan, 30, bago dumating ang mga rumespondeng pulis.

Ayon sa imbestigasyon naganap ang insidente alas-otso kamakalawa ng gabi.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Pumasok si Castro sa tindahan at nagkunwang customer saka isinilid sa kanyang bag ang mga beauty product na aabot sa P5,000.

Lingid sa kanyang kaalaman, binabantayan na siya ni Bulawan at hinarang ito bago pa man makasakay sa kotse kung saan sakay ang dalawang kasabwat.

Humingi ng tulong ang sikyo sa mga nagpapatrolyang pulis. Inatasan naman si Almario na patayin ang makina ng sasakyan pero sa halip ay pinaharurot pa nito pero dahil sa trapik ay inabutan sila ng mga pulis at inaresto.

Sinampahan ng kasong theft at resistance and disobedience to person in authority ang tatlong suspek sa Manila Prosecutors Office (Juliet de Loza-Cudia)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.