Una sa Balita

3 katao pinagbabaril, patay

Riding-in-tandem umatake sa North Cotabato:

By
0 592

NAGLUNSAD ng manhunt operation ang mga awtoridad laban sa isang riding-in-tandem na pumatay ng tatlong katao sa Ka­bacan, North Cotabato noong Linggo.

Ayon kay Supt. Maximo Layugan, North Cotabato police director, sinuportahan na rin ng militar ang inilunsad nilang manhunt operation upang mahuli ang pumatay sa mga biktimang sina Abdulbasi Limbucan kasama ang mag-asawang Rebecca, 48 at Danny Ballasama, 50, pawang mga residente ng Poblacion Kabacan.

Si Limbucan, isang tricycle driver ay pinagbabaril ng riding-in-tandem sa may USM (University of Southern Mindanao) Avenue, Ka­bacan bandang alas-nuwebe nang umaga.

“Police investigators are still trying to determine the identities of the culprits behind the killing of Limbucan,” sabi sa statement ng pulisya.

Bandang alas-dos nang hapon ng nasabi ring araw nang pagbabarilin din ng dala­wang lalaki na magkaangkas sa motorsiklo ang mag-asawang Bellasama na nakasakay sa kani-kanilang motorsiklo sa Abellara St., Brgy. Poblacion.

Naniniwala si Layugan na may matin­ding galit ang suspek sa mga biktima.

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More