Una sa Balita

3 katao nahulihan ng marijuana sa Las Piñas

By
0 50

NASA apat na kilo ng pinatuyong marijuana ang nakumpiska ng mga awtoridad mula sa tatlong hinihinalang drug pushers matapos maaktuhang nagbebenta ang mga ito kahapon nang madaling-araw sa Brgy. Pulanglupa Uno, Las Piñas City.

Kinilala ni Sr. Supt. Marion Balonglong, hepe ng Las Piñas City Police, ang mga nadakip na mga suspek na sina Keith Louise Nase Arceo, James Carlos Pamintuan, at Michael Acid Competante, kapwa nasa hustong gulang, at naninirahan sa Brgy. Pulang Uno ng nasabing lungsod.

Batay sa ulat dakong ala-una nang madaling-araw nang maaaresto ang mga suspek sa naturang lugar.

Abante Hiring – IT dep

Ayon kay Balonglong habang nasa responde ang kanyang mga tauhan sa insidente ng basag-kotse ay namataan ang mga suspek na kahina-hinala ang kilos na kung saan agad itong sinita.

Dito natuklasan ng pulisya na nagkakaroon ng transaksyon ng droga sa nasabing lugar.

Inaresto ang mga ito at nakumpiska mula sa kanila ang apat na kilo ng pinatuyong marijuana.

Agad na dinala ang tatlo sa nasabing himpilan ng pulisya at sasampahan ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Samantala, nalambat ng Pasig Police ang dalawang babaeng tulak at isang lalaki na matagal nang minamatiyagan matapos ang ikinasang buy-bust operation kamakalawa nang gabi sa Brgy. Pinagbuhatan. 

Nakilala ang mga suspek na sina Ceron San Marcos y Cinena, Erlinda Gregorio y Garcia at Julie Ann San Marcos y Cinena, pawang mga nasa hustong gulang, at residente ng Brgy. Pinagbuhatan, Pasig City. 

Batay sa report na nakalap mula sa tanggapan ng Eastern Police District (EPD), ikinasa ng mga tauhan ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ang buy-bust makaraang magpositibo sa mga suspek na nagtutulak ng iligal na droga bandang alas-7:30, Lunes nang gabi sa Salandanan St., Malasaga, Brgy. Pinagbuhatan.

Nakipagtransaksyon ang isang police poseur buyer sa isa sa mga suspek para bumili ng droga at nang aktong ibibigay na ang shabu ay doon na nilambat ang mga suspek. 

Nakumpiska mula sa tatlo ang apat na plastic sachets na naglalaman ng shabu at P300 buy-bust money.