Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

3 katao, alagang kalabaw inanod

0 89

NAILIGTAS ang tatlo katao at ang alaga nilang kalabaw mula sa rumaragasang baha sa Kabacan River sa President Roxas, Cotabato.

Binaha ang malaking bahagi nito dulot ng bagyong Crising na nanalasa sa Mindanao.

Sa imbestigasyon, inabutan na ng baha ang tatlo at ang kalabaw sa bukid kaya natangay sila ng malakas na alon. Sinubukan nilang tumawid pero natangay pa din sila.

Ni-rescue sila ng mga tauhan ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) at ilang mga residente. Nadala naman ang tatlo at ang kalabaw sa pampang.

Kasabay nito, binaha ang isang evacuation center sa South Upi, Maguindanao.

Inabot ng baha ang mga tent ng mga bakwit.

Sinasabing umaapaw din ang kalapit na ilog kaya nalubog sa tubig-baha ang kanilang mga pananim. (Kiko Cueto)

Leave A Reply

Your email address will not be published.