Una sa Balita

3 karnaper nakorner sa tinangay na Fortuner

0 709

MALABO nang makapambiktima ang isang carnapping syndicate sa lungsod ng Pasay matapos matimbog ng Pasay City Police ang tatlong karnaper na tuma­ngay sa isang Fortuner na inarkila lamang ng dalawang Chinese mula sa isang ‘Rent a Car.’

Kahapon ay iprinisinta nina Pasay City Mayor Emi Calixto-Rubiano at Police Col. Bernard Yang, hepe ng Pasay City Police sa media ang mga suspek na sina Rya­nelle Reyes y Garcia, 40, driver; Argel Garces y Coleman, 35, associate engineer ng NGCP at Aaron­ Espiritu y Baluyot, 34, jobless, pawang taga-Pampanga.

Sa ulat ni Police Col. Yang, alas-kuwatro ng hapon nitong Disyembre 5 nang maganap ang insidente sa parking area ng Cartimar Center.

Sakay sa puting Toyota Fortuner na may conduction sticker P31825 ang dalawang Chinese na sina Tong Jin Tao at Sang Bo na silang umarkila ng sasakyan na minamaneho ng suspek na si Reyes at ipinarada sa parking lot ng Cartimar.

Dito na nawala ang sasakyan­ kaya agad itong ini-report sa ­Arnaiz Police Community Precinct (PCP).

Dahil may GPS ang sasak­yan ay agad natukoy ang kinaroroonan ng kinarnap na sasakyan at natukoy ito sa compound ng NGCP sa Mexico Pampanga, na ikinadakip ng mga suspek kabilang si Reyes. (Armida Rico)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy