Una sa Balita

3 Kano nagbuwis ng buhay sa Australian bushfire

0 303

PATAY ang tatlong Amerikanong­ bumbero na tumulong para maapula ang Australian bushfire.

Kinilala ng kanilang employer na Oregon-based Coulson Aviation ang tatlo na sina Capt. Ian McBeth ng Great Falls, Montana, 44, na siyang nagpaandar sa bumagsak na C-130 water bombing plane; First Officer Paul Clyde Hudson, 42, ng Buckeye, Arizona; at Flight Engineer Rick DeMorgan Jr., 42, taga-Navarre, Florida, ayon sa CNN.

Mga beterano ng US military ang tatlong biktima.

Hindi pa batid ang sanhi ng pagbagsak ng sinasakyang eroplano ng mga biktima habang pinapatay ang bushfire sa New South Wales.

Arkilado lang umano ng New South Wales Rural Fire Service ang water tanker plane na ginamit ng mga Amerikanong bumbero. (Issa Santiago)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More