Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

3 kalye sa Pasig naka-ECQ

0 418

Tatlong lugar sa Napico, Barangay Manggahan sa Pasig City ang sinailalim sa localized enhanced community quarantine (ECQ) simula kahapon dahil sa pagdami ng bilang ng mga COVID-19 case doon.

SM food to go Banner Ad

Ayon kay Mayor Vico Sotto sa Twitter, ang mga tatamaan ng ECQ ay mga kalye ng Pipino, Labanos, at Okra sa nasabing barangay. Hindi pa tinukoy kung hanggang kalian ang localized lockdown, pero tiniyak ng alkalde na bibigyan ng food pack ang mga residente sa mga nasabing lugar.

Sa ngayon, mayroon nang 1,212 nasapul ng coronavirus disease sa Pasig, kabilang ang 661 gumaling at 94 namatay. Sa mga nahawa, 109 ang mula sa Brgy. Manggahan. (SDC)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.