Palawan news

3 kabataan patay sa AIDS

By

Tila pabata nang pabata ang mga namamatay sa sakit na Human Immunodeficiency Virus – Acquired Immune Deficiency Syndrome (HIV-AIDS) matapos makumpirma ng pamunuan ng Ospital ng Palawan ang tatlong kabataan na nasawi ngayong taon dahil sa nasabing sakit.

Ayon sa impormasyon, tig-isang biktima ang namatay noong buwan ng Enero, Pebrero at Marso mula sa lungsod at lalawigan. Hindi na nagbigay ng anumang detalye ukol sa mga biktima na sinasabing mga lalaki.

Aabot sa sampu (10) pa ang naiulat na nagpositibo sa naturang sakit at nasa ilalim na ng treatment facility.

Sa talaan ng nasabing ospital, mula 2014 hanggang 2017, mahigit dalawang daan na umano ang naitalang nagkaroon ng HIV sa lungsod ng Puerto Princesa at lalawigan ng Palawan, habang 90 naman ang sumasailalim sa treatment facility.


SHARE