Una sa Balita

3 kabataan na nanunog ng paninda binalaan ni Isko

0 527

Binantaan ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso ang tatlong kabataang bully na nanunog ng panindang lobo ng isang matanda na nagpapahinga lamang sa gilid ng isang hagdanan,kamakailan sa West Zamora, Pandacan, Maynila.

“Kayong tatlo, kilala ko na kayo at alam ko kung saan ang bahay ninyo sa Pandacan, matulog kayo ng maaga ­dahil pagka kayo ay inabot ng mga pulis sa kalsada lampas ng alas-10:00 ng gabi papapanagutin ko kayo pati ang mga magulang ninyo,” ayon kay Moreno.

Sinabi ni Moreno na ­nagpapahinga lamang si Oliver Rosales dakong ­alas-tres ng hapon sa lugar ng ­sindihan ng tatlong kabataan ang ­paninda ­nitong lobo dahilan para malapnos ang katawan ng biktima.

“Kung kayo ay hindi ­naturuan ng magulang ninyo, ako ang ­maglalagay ng mga turnilyo sa ulo ninyo, ­nanahimik lamang ‘yung tao at nagtitinda ng lobo gaganunin ninyo,” dagdag pa ni ­Moreno.

Tiniyak naman ni Manila Police District Director Bernabe Balba na sasampahan ng kaukulang reklamo ang tatlong suspek na ayon sa record ng barangay ay perwisyo sa kanilang lugar.

Ang mga suspek na ito ay istambay sa lugar na tuwang-uwa pa nang pagtripan si Rosales base na rin sa kopya nakita sa CCTV.

Nabatid na ang pangyayari ay ­naganap noong Pebrero 12 ng alas-tresng hapon kung saan ang biktima ay pinagtulungan na sinugod ng mga nakakita sa pagamutan.(Juliet de Loza-Cudia)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More