Una sa Balita

3 intsik kinidnap

By
0 74

Nagsasagawa ng masusing imbestigasyon ang Manila Police District-General Assignment and Investigation Section (MPD-GAIS) kaugnay sa ginawang pagkidnap sa tatlong Chinese national­ sa parking lot ng Harbour Square kamakalawa ng hatinggabi sa may CCP Complex Roxas Boulevard, Maynila.

Nabatid na nagtungo sa MPD si Jackie Chan, saksi at kaibigan ng biktimang sina Lin Xiao Sen, 23, taga-33 Ortigas St., Pasay City; Yan Wen Long, 29 at Lim Long Hu, 35, kapwa taga-Washington To­wer, Marina, Don Galo, Parañaque City para ireklamo ang ginawang pagkidnap sa tatlo ng pitong hindi nakikilalang mga suspek.

Sa imbestigasyon, da­kong alas-12:30 ng hatinggabi nang lumabas sa Malayouhuo Restaurant sa nabanggit na lugar matapos kumain ang mga biktima.

Papunta na umano sa kanyang sasakyan si Sen na Range Rover na may plate number WIS-503 nang sabayan ng tatlong suspek na puwersahan din sumakay sa sasakyan nito.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy