Una sa Balita

3 huli sa shabu session

By
0 813

Nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Illegal Drugs Act ang tatlong kala­lakihan matapos maaktuhang nagpa-pot session sa loob ng bahay ng isang suspek, kamakalawa nang hapon sa NCMH Hou­sing, Barangay Mauway, Mandaluyong City.

Batay sa report na nakalap mula sa tanggapan ni Eastern Police District Director S/Supt. Bernabe Balba, nakilala ang mga suspek na sina Janefir Yuag y Calunod, Richard Alvin Lucero y Realino at Paulo Manuel y Alumino, pawang taga-Mandaluyong City.

Naaresto ang mga suspek bandang alas-2:30 kamakalawa nang hapon nang salakayin ng pulisya ang bahay ng suspek na si Yuag sa 54 NCMH Housing, Bara­ngay Mauway, makaraang maaktuhan ng mga Bantay Bayan ang mga suspek na sumisinghot ng ipinagbabawal na droga at agad na ini-report sa tanggapan ng drug enforcement unit.

Nakumpiska mula sa mga suspek ang isang sachet na naglalaman ng shabu at kasalukuyang nakakulong sa Mandaluyong detention cell.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy