Una sa Balita

3 holdaper sa Pangasinan bumulagta sa SWAT

By
0 294

BUMULAGTA ang tatlong kalalakihan na pinaghihinalaang miyembro ng ­Aping Hold-up Group (AHG) matapos masukol ng Special Weapon and Tactics (SWAT) ng Urdaneta City Police Station (UCPS) na nambiktima ng isang tricycle driver sa Barangay Nancamaliran East, Urdaneta City, Pa­ngasinan noong Miyerkoles ng me­daling-araw.

Kinilala ni UCPS commander Supt. Rollyfer Capoquian ang mga napatay na suspek na sina Michael Ocson, Lito Ulais at Joward Ulais, mga walang permanenteng tirahan.

Sa report, sinabi ni Capoquian na nangyari ang insidente dakong ala-1:30 nang madaling-araw sa by-pass road ng nasabing barangay.

Hinarang ng mga suspek ang tricycle driver na nakilalang si Jesus Martines de Guzman, ng Barangay Mabanogbog ng nasabing siyudad.

Dito, nagdeklara ng hold-up ang mga suspek at kinuha ang perang kinita ni De Guzman, cellphone pati ang tricycle na siyang ginamit na get-away vehicle.

Nauwi sa engkuwentro hanggang sa mabaril ang mga suspek.