Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

‘3-Hits Timbangan’ larga sa Pangasinan

0 177

BAGO matapos ang Pebrero, may magandang pa-derby ang isa sa tinatangkilik na Online Sabong na Platinum Cockers Club (PCC).

Sa darating na Lunes (Feb. 28) magpapaluan ang mga mahuhusay na panabong sa magaganap na 3-Hits Timbangan na ilalarga sa New Asin Cockpit Arena sa Pangasinan.

Tiyak na dadagsain ang nasabing derby ng mga backyard breeder dahil sa ganda ng premyo sa magkakampeon.

May pot money na P5,500 at minimum bet na P5,500, nakalaan ang P50,000 bawat champion.

Sa Marso naman ang big event ng PCC kung saan ay ikakasa ang Pangasinan Breeder’s Cup 7-Bullstag/Cock derby na bibitawan sa New Asin Cockpit Arena.

Nakalaan ang P1.2M guaranteed prize sa event na may 3-4 format.

Ang unang eliminations ay sa Marso 14 habang ang pangalawa at pangatlo ay sa Marso 16 at 19 ayon sa pagkakasunod.

Nasa P4,000 ang pot money habang P5,500 ang minimum bet, sa Marso 21 naman ang finals.

Isa sa nabigyan ng lisensiya ng Pagcor ang PCC para makapag-operate ng online sabong.

Noong Oktubre 23, 2021 ang commencement date ng Platinum Cockers Club, ang online brand ng Philippine Cockfighting International Inc. at bongga agad ang pa-derby nila noong Nobyembre 1 nang organisahin nila ang “All Saints Day Special” 7-Stag Derby Group A.

Maraming sabungan sa probinsiya na ang pinagdausan ng pa-derby ng Platinum Cockers Club, ito’y sa Bojo Cockpit Arena sa Bojo Aloguinsan, Cebu City, Grand Tejero Cockpit sa Bgy. Tejero, Cebu City, Mavison Cockpit Arena sa Sto. Nino, Occidental Mindoro at Don Carlos Cockpit Arena sa P-7 Poblacion Sur, Don Carlos, Bukidnon. (Elech Dawa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.