Una sa Balita

3-game ban ni Bo tinabas sa dalawa

0 362

IMBES na tatlong larong suspensioyon, tinapyas ni University Athletic Association of the Philippines (UAAP) Basketball Commissioner Jensen Ilagan sa dalawang game na lang ang parusa kay University of the Philippines (UP) Fighting Maroons head coach Bo Perasol.

Matapos na personal na humingi ng tawad sa UAAP at kay referee Jaime Rivano nitong nakaraang Sabado, nagdesisyon ang mga ito opisyal na wakasan na ang suspension ng fiery mentor.

“Last Saturday was the first time our office heard directly from Coach Bo and we appreciate his sincerity and evident humility in expressing his regret regarding the incident between him and referee Rivano which happened last September 29,” saad ni Ilagan.

“Coach Bo emphasized how he deeply regretted his actions towards the official and extended his apology towards the UAAP Board, organization, and the entire community.”

Hindi nakasama ang UP mentor sa dalawang laban ng koponan sa second round kontra FEU Tamaraws (Oktubre 19) at UE Red Warriors (Oktubre 12) kung saan si deputy coach Ricky Dandan ang humalili.

Matatandaan na nagsumite ng isang appeal ang kampo ng UP para mabawasan ang suspension sa insidenteng kinasangkutan ni Perasol noong Setyembre 29 sa UP-Ateneo match ngunit hindi pinagbigyan sa mga oras na iyon.

Dahil rito, buong pwersa na muli ang panig ng Fighting Maroons sa kanilang susunod na laban kontra UST Growling Tigers sa darating na Miyerkoles. (Janiel Abby Toralba)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy