Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

3 galamay ng NPA sumuko

0 15

Dahil ‘wala nang tiwala sa samahan’ ay sumuko ang tatlong sinasabing miyembro ng New People’s Army sa pamahalaan sa probinsya ng Isabela at Cagayan noong Sabado.

Ang mga nagbalik-loob ay sina alyas ‘Imee,’ 36; at alyas ‘Vangie,’ 42, kapwa residente ng Bangay Matusalem, Roxas at alyas ‘Vic,’ 35, ng Sitio Villa Miranda, Dibuluan, San Mariano, Isabela.

SM food to go Banner Ad

Ayon kay Isabela Police Provincial Office (IPPO) provincial director P/Col. James Melad Cipriano, ang mga rebelde ay nagbalik sa gobyerno matapos ang ilang serye ng RCSP activities, Project MASK (Malasakit Akmang Sagot sa Krisis) at project SUBLI (Sarili mo’y Uusad Biyayang Pangkabuhayang Laan na Aming) na isinagawa ng 1st Isabela Provincial Mobile Force Company.

Samantala, muling nanawagan ang opisyal sa iba pang miyembro ng mga rebeldeng grupo na sumuko na sa pamahalaan at yakapin ang programang Enhanced Comprehensive Local Integration Program. (Allan Bergonia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.