Una sa Balita

3 galamay ng gun-for-hire sa Batangas, todas sa engkuwentro

0 302

PINAGHAHANAP ngayon ng mga tauhan ng Malvar PNP at Batangas Provincial Intelligence Branch ang kinikilalang lider ng gun-for-hire matapos makatakas sa naganap na engkuwentro kasama ang tatlong mi­yembro na nasawi sa engkuwentro kahapon nang madaling-araw sa Brgy. Luta Sur, Malvar, Batangas.

Nakatakas ang lider ng grupong gun-for-hire na nakilala lamang sa alyas na ‘Misi’ na siya ring res­ponsable umano sa pagpatay sa ABC president ng Lipa City na si Marlon Luansing noong nakaraang taon.

Nabatid na sangkot ang grupo sa serye ng robbery-hold up sa Calamba at Batangas.

Nasawi naman sa sagupaan ang tatlong hindi pa nakikilalang miyembro ni Misi matapos dumaan sa inilatag na checkpoint at doon na nagsimulang magpa­putok ang papatakas sanang mga suspek na daraan sa Malvar highway.

Ayon kay Col. Edwin Quilates, provincial director ng Batangas PNP, nakatanggap ng report ang mga tauhan ng Malvar PNP sa naganap na pang­hoholdap ng isang gasolinahan sa Brgy. Bugtong, Lipa City na kinasasangkutan umano ng apat na suspek. (Vick Aquino/Ronilo Dagos)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy