Una sa Balita

3 foreign workers patay sa landslide

By
0 16

KUALA LUMPUR – Tatlong foreign workers ang namatay habang 11 ang nawawala makaraang magkaroon ng landslide sa isang construction site sa George Town, sa northwest Malaysian state ng Penang.

Nahukay ang bangkay ng 2 Indonesians at isang Myanmarese sa gumuhong lupa. Dalawang kasamahan nito ang nakaligtas sa landslide at nagtamo lamang ng bahagyang sugat.

“Now the problem we are facing is we need to excavate a 35-metre heap of earth. We have deployed a K9 unit with three dogs to search for victims,” sabi pa ni Penang fire and rescue department director Saadon Mokhtar.

Karamihan sa mga natabunan ay pawang mga dayuhang manggawa mula sa Indonesia at Bangladesh kabilang ang mga Rohingyas. Isang Malaysian na construction site supervisor ang nalibing din umano sa guho.

Naganap ang landslide sa itinatayong 49-storey condominium towers sa lugar. Hindi pa alam ang dahilan nang pagguho ng lupa.