Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

3 Fil-Am film papasiklab sa Oscars

0 82

Ibinida ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) ang tatlong Filipino-American film na pinagpipilian sa ngayon para sa nominasyon sa 93rd Academy Awards o kilala rin bilang Oscars na prestihiyosong parangal para sa industriya ng pelikula sa buong mundo.

Ayon sa FDCP, kabilang ang ‘A Thousand Cuts’, ‘Lingua Franca’ at ‘Yellow Rose’ sa 366 title na pasok para sa konsiderasyon sa kategorya ng Best Picture.

“The three Filipino-American feature films, all helmed by women, are among the 366 titles eligible for consideration for Best Picture. According to Hollywood Reporter, this year’s number of eligible films is the highest count of titles for Best Picture consideration in five decades,” ayon pa sa FDCP.

Pawang mga babae ang direktor ng tatlong pelikula, ito’y sina Ramona Diaz, Isabel Sandoval at Diane Paragas.

Ang ‘Lingua Franca’ ay tungkol sa mga undocumented trans Filipino caregiver sa ginampanan ng director nitong si Sandoval. Sa kwento, nagpakasal ito para makakuha ng green card.

Nakuha ng pelikula ang nominasyon para sa John Cassavetes Award sa Film Independent Spirit Awards, gayundin ang GLAAD Media Award nomination for Outstanding Film.

Bukod dito, tumanggap na rin ito ng mga pagkilala mula sa loob at labas ng bansa. Dagdag pa ng FDCP, “The film, which premiered at the 2019 Venice International Film Festival Venice Days program, won the Grand Prize at Chéries-Chéris, ICS Award for Best Actress at the International Cinephile Society Awards, Best Actress Award at the Pacific Meridian International Film Festival, Sunny Bunny Prize – Special Jury Diploma at the Molodist International Film Festival, and Best Film (International Narrative) at the Tel Aviv International LGBT Film Festival.”

Habang ang dokumentaryo namang ‘A Thousand Cuts’ ay tungkol sa journalist na si Maria Ressa at tumalakay sa mga isyu hinggil sa media at pamahalaan sa ilalim ng kasalukuyang administrasyon.

Nagwagi na rin ito ng iba’ ibang award mula sa mga prestihiyosong kompetisyon.

Ang ‘Yellow Rose’ naman ay tungkol sa Pilipinong teenager na humiling na makaalis sa maliit niyang bayan sa Texas para maabot ang kanyang country music dream. Gayunman, nagkaroon ng problema ang bida nang magkaroon ng immigration issue ang kanyang ina. Bida rito ang Broadway actress na si Eva Noblezada.

Iba’t ibang international award na rin ang tinanggap ng nasabing pelikula.

Ayon sa FDCP, magno-nominate ang mga miyembro ng Academy ng lima hanggang sampung pelikula kada category sa March 5-10. Iaanunsyo ang mga opisyal na nominado sa Oscars sa March 15 habang gaganapin ang 93rd Academy Awards sa April 25. (Issa Santiago)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.