Una sa Balita

3 drug suspect nanlaban kaya napatay

By
0 130

Patay ang tatlong mga pinaghihinalaang sangkot sa bentahan ng shabu sa magkakahiwalay na buy-bust operation kahapon sa Tondo, Paco at Malate, Maynila.

Ayon sa Manila Police District (MPD), nakilala ang mga napatay na suspek na sina Arvie Garcia, alyas ‘Bengkong’ ng Tondo; Darwin Nazardo, 44, ng Paco, kasama sa drug watch list; at Bernie Obena Javier, 25, residente ng 2266 Interior 8, Kasaganahan Street, Leveriza, Malate.

Nabatid ito sa MPD-Police Station 1, dakong alas-4:15 nang mada­ling-araw kahapon nang magkasa ng buy-bust sa Building 4, Happy Land, Tondo ang mga tauhan ng Station Drug Enforcement Team (SDET) laban kay Bengkong, na kasama sa drug watch list ng MPD-Station 1.

Nakahalata ang suspek na pulis ang katransaksyon kaya’t nanlaban pero napatay.

Nakuha mula sa suspek ang isang baril na ‘di batid ang kalibre, at P300 na marked money.

Ayon naman sa MPD-PS 10, dakong alas-1:30 nang madaling-araw nang isagawa ang buy-bust sa 1563 E Valintina St., Barangay 814, Paco laban kay Nazardo.

May nagbigay ng impormasyon sa pulisya kaugnay sa iligal na aktibidad ng suspek kaya nagkasa sila ng buy-bust operation.

Nabatid ito sa im­bestigasyon ng MPD-PS 9 dakong alas-12:25 nang hapon kamakalawa nang salakayin ng SDET ang bahay ni Javier na nanlaban din kaya napatay.