Una sa Balita

3 dinukot ng NPA nahukay sa mass grave

0 223

Narekober ng 10th Infantry Division sa ilalim ng Eastern Mindanao Command (Easmincom) ang mga labi ng tatlong biktima ng summary execution ng New People’s Army (NPA) Huwebes nang umaga sa Brgy. Digongan, Kitaotao, Bukidnon.

Natunton ang mga labi ng mga biktima sa isang mass grave sa tulong ng impormasyong ibinigay ng mga dating miyembro ng Komiting Rebolusyonaryo sa Muni-cipalidad (KRM) na nagbalik-loob sa pamahalaan.

Kinilala ang mga labi ng mga biktima na sina Joel Rey Miqu Galendez, isang retiradong pulis; Dionisio Camarullo Havana, isang Tribal Datu ng San Franz, Agusan Sur, at Army Sgt. Reynante Havana Espana.

Dinukot ang tatlo noong Agosto 22, 2017, nang nagsagawa ng road blockade ang NPA sa highway ng Brgy. Kalagangan, Kitaotao ng nabatid na lalawigan.

Ayon sa Easmincom, ang pamilya ni Sgt. Espana ay regular pang nagpapadala ng pera sa NPA hanggang nitong Hulyo 2019 para pantubos sa biktima, na itinigil nila nang walang maipakitang proof of life ang mga terorista.

(Edwin Balasa)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy