Una sa Balita

3 dinampot sa pot session sa Pasig

0 392

Arestado ang tatlong drug user matapos ireklamo ng isang concerned citizen na may nagaganap na pot session sa isang bakanteng lote sa Barangay San Miguel, Pasig City, Sabado ng madaling araw.

Batay sa nakalap na report mula sa tanggapan ng Eastern Police District (EPD), nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 ang mga suspek na sina Diosdado Belita y Inargan, 34-anyos, construction worker, Alma Jacol y Llego, 40-anyos, garbage collector at Victor Benitez y Lolo, 29-anyos, garbage collector, pawang mga residente ng Pasig City.

Ayon sa report, nakatanggap ng tawag sa telepono ang mga tauhan ng PCP 5 na kung saan may nagaganap umanong pot session kaya agad na nagresponde sina PCpl Fredie Cawaling at Pat Raymart Agad bandang 12:30 Sabado ng madaling araw at agad na pinuntahan ang bakanteng lote sa Mercedez Ave., Barangay San Miguel at naaktuhan ang pot session ng mga suspek.

Nakumpiska mula sa mga suspek ang isang plastic sachet na naglalaman ng shabu na nasa .05 gramo ang timbang at shabu paraphernalia.

Kasalukuyang nakakulong ang mga suspek sa Pasig detention cell. (Vick Aquino)

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More