Una sa Balita

3 delivery staff ng 2GO huli sa pangungupit

By
0 395

KULUNGAN ang bagsak ng tatlong delivery staff ng 2GO cargo forwarding kabilang ang isang driver matapos mangupit ng idineliver na grocery order at tangkaing bawasan ito sa loob ng Save More Supermarket sa Barangay Barangka., kamakalawa nang hapon.

Kinilala ni SSupt. Roger Quesada, hepe ng Marikina PNP ang mga suspek na sina Mark Mendoza y Manalo, 38-anyos, delivery driver; Marlon Combali­cer y Aldabe, 33-anyos at Christian German y Lanon, 24-anyos, pawang mga delivery man ng 2GO cargo forwarding.

Batay sa report, inaresto ang tatlong suspek bandang ala-1:45 Martes nang hapon sa loob ng Save More Supermarket sa Riverbanks Mall, Barangay Barangka, Marikina City makaraang magsampa ng reklamo si Jerome Elambo, 38-anyos, nakatalaga sa Receiving and Dispatching ng nasabing establisimyento.

Ayon kay Elambo, nagdala ng inorder na mga grocery item ang mga suspek mula sa kanilang opisina at habang sinisiyasat niya ang order list ay napansin niyang kulang ang mga assorted grocery item na nagkakahalaga ng P1,084. Nang inspeksyunin ay nakita sa loob ng sasak­yan ang nawawalang assorted grocery item.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy