Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

3 dedo sa motorbike race

0 43

Tatlo ang dedbol habang hindi bababa sa anim ang sugatan sa isang banggaan sa drag racing sa Malaybalay City, Bukidnon.

Ayon sa ulat ng Bukidnon provincial police, namatay ang isang pasahero ng multicab na si Avegail Manalo, 22, habang pumanaw din ang isang menor de edad na hindi pinangalanan ng mga pulis, at si Florendo Cababat, 21, na kalahok sa karera.

Kabilang naman sa mga nasugatan ang sakay ng motorsiklo na hindi kasama sa karera ngunit nabundol din na sina Simon Ocon Jr., 35, at Donniza Ocon, 29.

Sugatan din ang mga pasahero ng multicab na sina Monique Nicole Vasquez, 22, at Omaira Sarosong, 21.

Nagtamo rin ng sugat si Angel Socias, 23, at isa pang menor de edad, na parehong kalahok sa karera.

Nabatid na isang Suzuki multicab ang minamaneho ni Charlito Vasquez, 49, sakay ang mga pasaherong sina Sarosong, Manalo, at Vasquez sa highway ng Malaybalay nang mabangga ito ng Yamaha Sniper na motorsiklo mula sa likuran.

Nahagip ng multicab ang tatlong Suzuki Raider motorcycle na minamaneho nina Socias, Cababat, at isa pang menor, na kasali sa drag race.

Lumagpas sa kabilang linya ang motorsiklo ng menor kung saan nabangga niya ang Yamaha XTZ na motor.

Dinala sila sa ospital kung saan idineklarang patay ang tatlo. (Sherrylou­ Nemis)

Leave A Reply

Your email address will not be published.