Una sa Balita

3 COVID-19 facility alok ng Nueva Ecija

By
0 462

Isang unibersidad, drug rehabilitation facility, at evacuation center ang mga iniaalok na maging alternatibong pasilidad sa Nueva Ecija sakaling dumami ang mga pasyenteng apektado ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Ayon kay Judge Benjamin Turgano, presidente ng Wesleyan University-Philippines sa Cabanatuan City, inaalok ang mga silid-aralan ng pamantasan para sa mga person under investigation (PUI) at person under monitoring (PUM) kung kakailangin.

Ito ay bilang tugon sa kahilingan umano ni Mayor Myca Elizabeth Vergara kung tataas ng husto ang bilang sa Cabanatuan at buong Nueva Ecija at kailangan ang mga isolation facility.

Noong Marso 24 ay pinagtibay ng Sangguniang Panlalawigan sa pamumuno ni Vice Governor Emmanuel `Doc Anthony’ Umali ang Resolution No.157-2020 na ipinapagamit ang Drug Treatment and Rehabilitation Center sa Palayan City na maaaring okupahin ng 58 pasyente.

Inalok din ni Talavera Mayor Nerivi Santos-Martinez ang kanilang evacuation center bilang isolation facility.

Ayon naman kay Fr. Arnold Abelardo, spokesperson ng Nueva Ecija COVID-19 Tsk Force, may 30 pastor at mga pari, kasama si Bishop Sofronio Bancud ng Diocese of Cabanatuan ang bumuo ng grupong para sa tele-counselling sa mga PUI at PUM sa lalawigan.

Mayroon na umano silang pakikipag-ugnayan sa mga ospital at ang kanilang grupo ang tumatawag sa mga pasyente, ayon kay Fr. Abelardo.

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More