Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

3-Cock Timbangan lalarga sa Sta. Maria

0 81

TULOY ang ligaya ng mga sabungero sa Ilocos Sur dahil magkakaroon ng 3-Cock Timbangan derby na ilalarga sa Sta. Maria Cockpit sa April 23.

Tiyak na dadagsain ng mga sabungero ang nasabing derby dahil sa nakalaan na premyo sa mga magkakampeon.

Hahamig ang P100,000 ng first champion habang P80,000 sa second champion.

May pot money na P7,700 habang ang minimum bet ay 6,600, may nakalaan na P10,000 para sa fastest kill last win at P10,000 din sa slowest kill last win.

Bukod sa mga nasabing premyo, may nakalaan din na P10k sharing sa winning gaffer at P10k sharing din sa winning handler.

Ang accepted weight ay 1.85 hanggang 2.3 kilograms at ipatutupad ang 35 grams give and take.

Sa April 22 ang pasahan ng timbang mula ala-6 ng umaga hanggang alas-tres ng hapon, magsisimula ang sultada sa alas-8 ng umaga, kinabukasan.

Samantala, Ipatutupad ang safety protocols sa loob ng sabungan tulad ng pagsusuot ng face mask at social distancing.

(Elech Dawa)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.