Una sa Balita

3 byuting Pinay, 10 oras pinigil sa HK bago pina-deport

0 7,173

Naging bangungot ang dapat sana’y dream vacation ng tatlong Pinay sa Hong Kong matapos silang i-detain ng immigration sa loob ng sampung oras bago pinauwi sa Pilipinas kamakailan.

Unang punta lang nina Grace Ann Bartolome, Juvilyn Alido at Jessa Mae Baring sa Hong Kong kaya’t nang dumaan sila sa immigration ay katakot-takot na tanong na ang ginawa sa kanila, bago sila ipina-detain nang higit sa 10 oras.

Walang ibinigay na dahilan ang mga immigration officer sa pagbabawal sa tatlo na makapasok ng Hong Kong, maliban sa paliwanag na ‘immigration reasons and security purpose.’ Pinabalik din agad sila ng Pilipinas.

“Huhu TRAUMA lang inabot namin! Ayaw ko na sa HK. Di lang namin nakita ang beauty ng HK. Marami pa naman mas magagandang place dito sa pilipinas. Nasayang lang lahat ng pinagpaguran namin. Worst feeling ever!” ayon sa post ni Bartolome sa Facebook.