Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

3 bus nilamon ng apoy

0 215

KASABAY ng pagsalubong ng Bagong Taon, tatlong unit ng mini bus ang nilamon ng apoy habang nakaparada sa isang subdibisyon sa Bacoor City, Cavite Sabado ng madaling araw.

Sa ulat ni Pat. Marco Romero Cupo ng Bacoor City, Cavite ala-1:38 kahapon ng madaling araw nang nakatanggap sila ng ulat hinggil na nasusunog na nakaparadang mga mini bus sa Kimberton St., Meadowood Exec Subdivision, Brgy Panapaan 8, Bacoor City, Cavite.

Sa inisyal na imbestigasyon, nagsimula ang apoy sa isang sasakyan dahil sa `faulty electrical wiring’ hanggang sa madamay ang 2 pang katabi nitong mini bus.

Alas-2:03 nang itaas ang unang alarma at fire under control dakong alas-2:08 ng madaling araw.

Wala namang nasaktan o nasugatan sa insidente. (Gene Adsuara)

Leave A Reply

Your email address will not be published.