Una sa Balita

3 biktima ng salvage bumulaga sa Batangas

By
0 341

TATLONG bangkay ng lalaki na pawang may sugat sa ulo ang halos magkakasunod na bumulaga sa magkakahiwalay na lugar sa Batangas at Quezon kamakalawa nang umaga.

Unang nadiskubre ng residenteng si Romulo Perez, habang nagtatapon ng basura, ang isang bangkay ng lalaki sa Sitio Pakalat, Brgy. Anilao Proper, Lipa City, Batangas dakong alas-6:20 nang umaga.

Ayon sa mga pulis, may sugat ito sa ulo at nakagapos ng packaging tape ang paa at kamay habang may tali namang nylon ang leeg nito.

Sa Brgy. Macalamcam B, Rosario, Batangas, isa ring bangkay ng hindi pa rin nakikilalang lalaki ang nakita ng residenteng si Cedicidicio Reyes, sa gilid ng kalsada sa loob ng Buena Aya Farm.
May sugat din ito sa ulo na siya nitong ikinasawi.

Samantala, personal namang kinilala ng isang Filimon Rosales Gurlay, na anak niya ang natagpuang patay sa Eco Tourism Road, Purok Maulawin, Brgy. Isabang, Lucena City kamakalawa nang madaling-araw.

Ayon sa mga pulis, ang anak na si Rodante Balanial Gutlay, 40-anyos, ay natagpuang nakabulagta sa gilid ng highway at nakabalot ng packaging tape ang ulo.

Kalalaya pa lamang nito umano mula sa kulungan noong Hulyo 2018 matapos makulong dahil sa kasong iligal na droga.(Ronilo Dagos)