Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

3 biktima ng human trafficking naharang sa airport

0 13

Pinigil ng Bureau of Immigration (BI) officers sa Clark International Airport sa Pampanga ang pag-alis sa bansa ng tatlong kababaihan papuntang United Arab Emirates (UAE) na hinihinalang biktima ng human trafficking.

Sa ulat kay BI Commissioner Jaime Morente, sinabi ng travel control and enforcement unit (TCEU) ng ahensiya na ang tatlo ay naharang noong Biyernes matapos tangkaing sumakay ng Emirates flight papuntang Dubai

Sa unang inspeksiyon, nagpanggap ang mga pasahero na sila’y mga turista, kalaunan ay inamin na sila ay magtatrabaho bilang mga domestic worker sa emirate.

Lahat sila ay may may valid UEA tourist visas at return ticket upang ipakita na sila ay bakasyunista lang.

Ngunit nang kapanayamin ay inaming hinikayat silang magtrabaho sa ibang bansa nang hindi kumukuha ng work permit mula sa gobyerno.

Idinagdag nila na binilinan sila ng kanilang handler sa pamamagitan lang ng Facebook at nakatanggap sila ng mga kopya ng kanilang visa at return ticket sa pamamagitan ng Internet. (Mina Navarro)

Leave A Reply

Your email address will not be published.