Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

3 big time pusher nadakma sa drug bust

0 110

Kalaboso ang tatlong umano’y big time pusher nang malambat ang mga ito sa isang buy-bust operation na nagresulta sa pagkakasamsam ng mahigit P1 milyong halaga ng hinihinalang shabu sa Caloocan City noong Linggo.

Nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang mga suspek na sina Esmeralda Pangyarihan, 28-anyos, ng No. 183 Gen. Concepcion St., Brgy. 132 ng lungsod; Rakim Batua, 18-anyos at Mohammad Umpa, 20-anyos, kapwa residente ng No. 151 Block 17, Dimaraya St., Brgy. 645, Quiapo, Manila.

Nasamsam sa kanila ang 202 gramo ng shabu na may standard price na P1,373,600.00.

Sa ulat ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Caloocan Police, agad na dinakma ang mga suspek pagkatapos makaiskor sa kanila ng umano’y P80,000 halaga ng shabu ang isang pulis sa kahabaan ng Gen. Concepcion St., sa Brgy. 132, Caloocan City bandang alas-5:30 ng hapon.

Hinala ng pulisya na supplier ng droga ni Esmeralda sina Batua at Umpa na siya nilang ibinebnta sa Caloocan City. (Orly Barcala)

Leave A Reply

Your email address will not be published.