Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

3 bebot nagbenta ng shabu sa mall parking, buking

0 153

MAHIGIT P3.4 milyong hinihinalang droga ang nasabat ng mga awtoridad sa tatlong babae sa isinagawang buy-bust operation sa Dasmarinas, Cavite.

Kinilala ang suspek na sina Jean Llianes, 36, may-asawa; Devielyn Gammad, 32, may-asawa, kapwa taga- Dasmariñas Cavite at Ma. Lourdes Enriquez, 28, dalaga, ng San Andres Bukid, Manila.

Pinangunahan ang operasyon ng Philippine Drug Enforcement Agency sa Cavite kung saan nagpanggap itong buyer ng droga.
Nagkita sila sa isang parking lot ng isang mall para sa transaksyon. Matapos iabot ang droga ay agad silang hinuli.
Paliwanag naman ng mga suspek, wala silang trabaho at wala ring criminal record.

Sa imbestigasyon, sinabi ng isa sa suspek na may nakausap siya sa telepono at sinabihang i-deliver ang package at bibigyan siya ng halagang P2,500. Nakuha mula sa kanya ang kabuuang 500 gramo ng shabu.

Sa ngayon ay inaalam ng pulis ang pinanggalingan ng droga. (Kiko Cueto/Gene Adsuara)

Leave A Reply

Your email address will not be published.