Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

3 bayan sa Davao de Oro binaha

0 192

Nasa 200 pamilya ang napilitang lumikas nang pasukin ng baha ang kanilang bahay sa Davao de Oro.

Sinabi ng Davao de Oro Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) na inilikas nila ang mga residente gamit ang mga rubber boats at backhoe dahil na rin sa pagbuhos ng ulan.

“Ang directly affected, those that were internally displaced family, sa tatlong bayan na nagsagawa ng preemptive evacuation, umabot na ng 223 families or 710 individuals,” sinabi naman ni Joseph Randy Loy, hepe ng Davao de Oro PDRRMO.

Agad namang nagpadala ng food packs sa mga pamilya ang barangay at lokal na pamahalaan. (Kiko Cueto)

Leave A Reply

Your email address will not be published.