Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

3 batang sundalo ng NPA nasakote

0 17

Tatlong itinuturing na mga batang sundalo umano ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army-National Democratic Front (CPP-NPA-NDF) ang naaresto ng militar sa San Fernando, Bukidnon noong Setyembre 8.

Kasama umano ang tatlong menor de edad sa 10 rebelde na nasakote.

Nakasagupa sila ng 88th Infantry Battalion at nasa 20 rebelde na kasama sa Platoon 1 ng Guerilla Front Malayag ng Sub-Regional Committee 2 ng North Central Mindanao Regional Committee sa isang forested area sa Brgy. Mabuhay.

Sinabi ni Major General Romeo Brawner Jr., commander ng Army 4th Infantry Division, na malinaw na paglabag aniya sa karapatang pantao ng mga kabataan at sa International Humanitarian Law ang pag-recruit ng mga menor de edad.

Batay pa sa ulat, ang mga batang nasakote ay edad 4, 6 at 10.

Kabilang din umano sa naaresto ang pitong indigenous peoples (IP). (Kiko Cueto)

Leave A Reply

Your email address will not be published.