Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

3 bata nakuryente sa waiting shed

0 140

PATAY ang dalawang magkapitbahay na bata habang nakaratay ang isa pa matapos sumilong sa isang waiting shed at makuryente sa Pampanga kamakailan.

Sa paunang imbestigasyon ng Pampanga Provincial Police office, naabutan ng malakas na ulan alas-4:30 ng hapon ang mga naglalarong biktima kasama ang ilan pang mga bata nitong Martes sa kalsada ng Sitio Sampaga, Barangay San Vicente, Apalit, Pampanga.

Sinasabing tiyempo na kapistahan ng kanilang patron na si Apung Iru nang mangyari ang insidente.

Naghanap umano ng masisilungan ang mga bata hanggang sa mapadpad sa waiting shed.

Pero hindi nila alam na may nakalawit na live electrical wire mula sa katabing poste.

Ayon sa Pampanga police, ito ang dahilan ng kanilang pagkakakuryente.

Dead on arrival ang dalawang bata, habang nagpapagaling pa rin sa ospital ang 13-anyos nilang kasamahan. (Kiko Cueto)

Leave A Reply

Your email address will not be published.