Una sa Balita

3 barangay sa QC dineklarang ASF free

0 398

Inanunsyo ng Lungsod ng Quezon na wala nang African swine fever (ASF) sa tatlo nitong barangay.

Ayon kay Quezon City Mayor Joy Belmonte, kabilang sa mga ito ang Barangay Tatalon, Tandang Sora at Pasong Tamo.

Inaasahan ding mapapasama na ang Barangay Bagong Silangan sa listahan na malilinis sa ASF.

Ayon kay Belmonte, matatagalan pa umano bago ma-clear ang Barangay Payatas sa ASF.

“We underestimated. Even the punong barangay underestimated the number of pigs in his own barangay,” ani Belmonte. (Riz Dominguez)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy