Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

3 bala tinanim sa ulo ng police asset

0 178

Patay ang isang umano’y police asset matapos itong taniman ng tatlong bala ng baril sa ulo ng hindi pa nakilalang suspek sa Pasay City, linggo ng gabi.

Agad na namatay si John Paul Camacho, 20-anyos, nakatira sa Vitales St., Brgy. 164 Malibay habang agad na tumakas ang suspek patungong EDSA Rotonda.

Ayon sa ulat, katatapos lang maghapunan ng biktima at naglalakad na sa P. Rivera st., Bgy 116, Zone 14 pauwi ng bahay matapos manigarilyo nang sumulpot sa kanyang likod ang suspek at tatlong beses siyang binaril sa ulo bandang alas-9 :00 ng gabi.

Nasaksihan ng isang tricycle driver ang krimen at agad na ipinaalam sa pamilya ng biktima ang nangyari.

Narekober nina P/MSgt. Alfredo Aquino at P/Cpl Alfred Pangilinan, ng Investigation and Detective Management Section (IDMS) ng Pasay City Police Station sa lugar ang tatlong basyo ng cal.45 pistol.

Kumbinsido ang pulisya na sangkot sa iligal na droga ang suspek at apektado ang operasyon nito dahil sa pagiging informant ng biktima. (Mia Billones)

Leave A Reply

Your email address will not be published.