Una sa Balita

3 bahay natabunan ng landslide

0 480

DAHIL sa patuloy na pag-ulan, tatlong bahay ang natabunan sa pagguho ng lupa sa Barangay Rapuli, Sta. Ana, Cagayan, ayon sa Provincial Climate Change Disaster Risk Reduction and Management Office (PCCDRRMO).

Ayon kay PCCDRRMO head retired Col. Atanacio Macalan Jr., una nang nailikas ng lokal na pamahalaan ang mga residente sa lugar bago ang landslide.

Sinabi ni Macalan Jr., dahil sa walang tigil na pag-ulan, lumambot at gumuho ang lupa at natabunan ang dalawang bahay habang bahagya lamang sa isa ngunit tinangay ito ng lupa hanggang sa gilid ng kalsada.

Sa ngayon ay two lanes passable na ang lugar matapos ang isinagawang clearing ope­ration.

Ayon sa PCCDRRMO, nananatili namang impassable o hindi madaanan ng mga moto­rista ang pambansang lansangan patungong Ilocos Norte via Sta.

Praxedes, Cagayan at vice versa dahil pa rin sa mga naitalang landslide. (Allan Bergonia)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy