Una sa Balita

3 bagyo nakahilera ngayong July

By
0 5

Isa hanggang tatlong bagyo ang maaaring pumasok sa Philippine Area of Responsibility (PAR) ngayong buwan, ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).

Taliwas dito, nabatid sa PAGASA na asahan ngayong linggong ito ang mala-summer na panahon bunsod naman ng pinahabang ridge of High Pressure Area (HPA) sa silangang bahagi ng Luzon.

Posible anilang makaranas ng maalinsangang panahon lalo sa umaga at mga thunderstorm naman sa dakong hapon o gabi.

Inaasahang tatagal hanggang Biyernes ang mainit na panahon at posibleng umabot sa 25 hanggang 34 degrees celsius ang agwat ng temperatura sa Metro Manila.

Sa Tuguegarao City, Cagayan, inaasahang aabot sa 25-36°C ang temperatura; 16-25°C sa Baguio City at 22-32°C sa Tagaytay City, Cavite.