Una sa Balita

3 bagyo nagbabantang manalasa sa Atlantic

By
0 167

Tatlong bagyo ang nagbabantang muling manalasa sa mga lugar kung saan nanalasa si Hurricane Irma.

Sa ulat ng CNN, namumuo sa Atlantic ang nasabing mga bagyo kung saan isa sa mga ito ang inilagay na bilang hurricane habang ang isa pa ay nalalapit na ring mabuo bilang bagyo.

Ayon sa National Hurricane Center, sinasabing noong nakaraang Sabado ay nabuo ang tropical storm Maria sa western Atlantic Ocean at inaasahang magiging hurricane anumang araw samantalang ang isa pa ay magiging major hurricane sa araw ng Miyerkules.

Natukoy ang bagyong Maria sa layong 500 milya silangan-timog-silangan ng Lesser Antilles taglay ang lakas na hanging aabot sa 50 mph at kumilos patungong Caribbean sa bilis na 16 mph.

Ang sentro ng bagyong Maria ay inaasahang tatama sa Leeward Islands sa loob ng 48 hanggang 72-oras at kikilos patungo sa Puerto Rico sa loob ng apat na araw bago nagbabantang manalasa sa eastern Hispaniola (Haiti and the Dominican Republic) sa loob ng limang araw.

Dahil dito, posibleng muling salantain ang nasabing mga lugar na dinaanan ng Hurricane Irma.

Samantala, nabuo na rin ang Hurricane Jose na inilagay sa category 1 storm. Taglay nito ang lakas na 80 mph hangin at inaasahang patuloy na lalakas sa mga susunod na araw kung saan inasahang tatamaan nito ang estado ng North Carolina hanggang New England sa Estados Unidos. 

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More